:: The Sleeping Mind ::
Ang nararapat sa tama.. :)
Tulad ng title ng entry na ito, Ano nga ba ang nararapat sa tama? Nararapat bang paniwalaan o sundin ang sariling pang-unawa at paninindigan?.
Ispeaking paninindigan, madame sa atin ang walang sarili nito, dahil kung ano ang pinaniniwalaan ng isa, siya namang gayun din ang atin.. tama naman diba? pero sa totoo lang, naisipan mo na bang pagbali-baliktarin ang konsepto at pananaw na nakamulatan mo? ano? anong napala mo?, ikinabuti ba?. Sensiya sa mga medyo harsh words, pero ganito tayo, tila ba inuungkat natin ang bunga bago ang kanyang ugat. Kung sasabihin ko ba na bilog ang buwan na kailan man sa buong buhay mo di mo pa nakikita, maniniwala ka kaya?. Mahirap diba? Oo mahirap talaga maliban na lang talaga kung may naging karanasan ka na, at naging isang matibay mo itong pinanghahawakan simula nung maranasan mo ito :). Madami din sa atin ang sumasang-ayon sa kung ano ang sinang-ayunan ng karamihan,Pero nung oras na magkamali ang taong pinagkatiwalaan, Anong napala? Diba parang siya pa ang lumalabas na kriminal sa likod ng pagtulak niyo sa kanya at ibinuhos niyo yung pagtitiwala sa kanya. Talaga nga naman, hindi nawawala ang Pilosopiya sa buhay, Pilosopiya na maaring makabuti at makasira ng ating pagkatao. Makabubuti lang ang pilosopiya sa paraang Nailalahad ang tama sa mali, na mali pala madalas ang mga tamang ating Pinaniniwalaan. Siguro di mo pa din gets ang takbo ng aking utak? Oo kahit ako din kase e, magulo ako mag-isip, padalos dalos. Kase, Madami kasi ngayon ang nagiging tama sa ating panahon.. ng dahil sa teknolohiya,nawawala na ang moralidad ng bawat tao, Iniisip nila na ang tama sa kanila ay tama, sapagkat may paninindigan sila, pero dahil sa
Impluwensiya ng mas nakakaangat sa ating mga bansa, nalilimutan natin ang pagkakakilanlan natin ng dahil sa pag-sangayon sa mga kamalian,Kaya kapatid mag-ingat ka.
Masarap kasi mamuhay ng nasa tama, lam niyo ba simula high-school at college, ako ay masyadong tahimik sa aking klase at kung akala mo lang, baliktad ako sa tunay na mundo na pagkakilala mo ngayon sa akin,kase simple lang. Mas masarap kasi magpahayag ng nasa saluobin mo sa ganitong paraan. Naiisip ko darating ang panahon na lahat ng tao ay magiging makasarili at mauubos ang mga taong nakakakilala sa Diyos,mga taong paninindigan at tama at dadami ang maniniwala at sasang-ayon sa baluktot na daan dahil masarap daw kasi,may thrill ang buhay ika-nga.
Halimbawa na lang sa nararanasan nating tama na mali pala, ang tao ay nabubuhay lamang para sa kaniyang sarili,Mali.. dahil ang bawat tao ay may destinasyon at kapupuntahan at siya mismo ang pipili nun :). Ikaw ba? kamusta na ang paninindigan mo?. Laman ka pa din ba ng lansangan sa madaling araw dala ang hang-over at kaluluwa ng alak?, in short bisyo?. Lam mo sa totoo lang ang paunti-unti ay hindi bawal pero pag sobra na, diyan na nagiging bisyo yan. Lahat nga naman ng sobra ay bawal, sa mga maling nakagawian natin, natatawag natin itong bisyo dahil sa alam na nga nating mali, pero pinagpipilitan pa din natin ang mali.
Nakakalungkot lang, pero nakakadagdag ka lang ng listahan sa mga maagang mamatay kung gayon, maaring pagdating ng sampung taon o kaya'y pag ka-edad mo'y pagsisihan mo na sayang, sana noon, sana sana sana. Ganyan tayong mga tao e, ilang beses ba natin nababanggit ang salitang SANA? kapag nagdadasal tayo na makapasa sa exam,tapos mangongopya? tigasin haha!. Marahil sa palagay ko masarap pagusapan ang mga bagay na may kaseryosohan din no? ansarap kasi.. , pero ang pinaka-punto ko dito ay, Piliin mo ang tama sa tama, at hindi ang tama na alam mo naman sa sarili mo na mali. Kaya ikaw kapatid, matuto kang magdesisyon sa buhay mo :)..
yun lang XD.
Hmmm. sa palagay ko naisipan ko lang na sa susunod na aking blog-post ay gagawa ako ng kwentong-serye , pero di ko pa alam kung tungkol saan anyways, maraming salamat sa pagbabasa ng aking katha ngayong araw na ito :).
Sembreak at ang nakaraan *Bow*..
semester.. Ako bilang estudyante, siyempre problemado at halos lahat sa
atin ay nag-aalala sa ating mga marka o grado na maari nating makuha
galing sa ating mga Guro.
Talaga nga naman, parang kailan lang..
anyways.. let me share sa inyo yung natapos na Engineering day namen, Sa
totoo lang una-unang nabitin ang karamihan sa inakalang dalawang araw
na Pagdiriwang ng aming College day, kaso huli na ang lahat para
humirit, at buti na lang Malaking pasalamat ko sa Diyos na natapos na
namin yung matagal-tagal na pinagpaguran naming proyekto.. Buti na lang
at natapos na talaga, feeling ko talaga parang ako lang yung natuto sa
kabila nung mga ginawa namin, dahilan yan para iyan ay aking sabihin
dahil ako ang gumawa nung Electronics part, kaso sa Pag-pro-program ay
sa ganung pag-analisa e. Sa totoo lang ay kinuha ko ang aking kurso at
dahilan ito ng pagkahilig ko lang po noon sa FRIENDSTER, o di ka
nagkakamali sa nakita/nabasa mo..
Dahil sa pag eedit ng ganyan, ng
ganito sa isang simpleng background hanggang sa pagkatuto ng Java, pero
sa totoo lang pang browser lang yun or pang net Java lang yun, yun bang
pag-gawa lang ng Website yung alam ko, pero di na ngayon tignan mo nga
asa na ako ngayon sa ganitong Web builder, kahit plain basta ang
mahalaga ay maiparating ko sa inyo yung gusto kung ikwento. At isa pa,
naalala ko noon, madalas akong nag eedit,nangongopya ng mga Background
at noon ay tuwang tuwa ako at proud na proud ako, pero kalaunan ay
napagtanto ko na "Isang malaking kamalian ang matuto sa isang kamalian".
Hanggang sa dumating ang araw na ako'y naging aktibo sa isang Forum na
hindi ko na babangitin dahil nalulungkot lamang ako kung naalala ko
lamang yung website na yun :). Taon din ang binilang bago magsara at
malaos ang FS, hanggang sa naalala ko ay 2nd semester noong first year
nauso yung Facebook.. at dahil dun, ang Friendster ay unti unting nalaos
hanggang sa ibenta ito sa isang kumpanya at ngayon lang kasalukuyan ay
ginawang palaruan para sa mga nag-iisip bata ang Friendster na animo
dati ay, Di mapakali ang May-ari kapag di niya maipahayag at mapaganda
ang kanyang Friendster page.. hmmm. namiss ko lang talaga yung ganun
bagay at pagkakataon, na minsang naranasan na hindi na pwede at kailan
man balikan pa.. XD Parang sembreak lamang, Matatapos na semester lamang
ito, Minsang dinaanan at magiging isang napakagandang alaala ang
lahat-lahat para sa ating lahat ngayong nagdaang Semester na ito.. :)
Godbless sayo! at salamat sa pag-babasa ng aking maikling Kwento :)
Balik kwento-lawenta.. :)
Nga pala, pasensiya kung tagalog yung ginagamit ko ditong estilo ng pagpapahayag ng aking mga saloobin.
Lapit na sembreak no? ikaw bilang estudyante anung naiisip mo ngayon?
Grades? Pamilya? Mahal mo? Dame noh?
natural estudyante e..
Sarap kaya maging estudyante..
kasi pag sembreak pag walang mapagkakakitaan o mapag lilibangan..
maaring nasa bahay ka lang, Facebook,Chat, Ym, ang siyang umiikot sa talaan ng iyong listahan sa araw araw tuwing bakasyon..
Osige simula tayo sa Grades,
marahil kahit ikaw, na wag naman sana ay tagilid sa ilang mga subject natin? tama ba?
Kahit ako din kase, di naman ako ganun ka-igi sa klase na inaakala ng iba.. pero sa totoo lang,
tamad ako. XD.. ikaw ba? kelan ba natin mababago yun?
Marahil isang prokastinasyon ang pag Fefeystbuk.. ito katulad neto, sa pagbisita mo at pag basa ng maikling istoryang ito ay maaring makakain ng malaking oras na maari mong igugol sa mga bagay na dapat sana
ay maging abala ka.
Lam niyo ba itong Pag susulat ay matagal ko ng ginagawa.. mag sulat sa notebook ng mga kanta, mga tula. pero Joke lang yung huli..
Para sa mga lalake: Mga bro, ang hirap man-ligaw kapag busy no? hirap pag sabayin..
Para sa mga babae: Hirap mag-intay no?
Sa totoo lang, hirap talaga ng ganyan..
at kung tatanungin mo kung asang antas ako..
Coke zero ^^
sa totoo lang medyo nakakarelate ako diyan.
kaso mejo abnoy lang talaga yung natipuhan ko..
Hirap tsumempo at tukuyin kung kelan nag-iisa siya at nasa Mood T.T
Pero kahit ganun pa man, maybe some other time na lang XD
sabi nga, to wait is to endure and endurance is synonymous to Patience..
and Patience is Virtue, pero joke lang yun.. mahina ako sa English..
Well naalala ko lang speaking the term English,
Naalala ko lang yung isang Offer saken ng isa kung kakilala na may-ari ng isa sa Pinakamalaki/Sikat na Anime Blog dito sa pinas.. kaso di ako ganun ka-inclined sa Manga(Tama kaya ispelling?), Anime Reviews at iba pang may kinalaman sa ganung Genre. Kaso dahil sa ako'y mang-mang sa manga or mangga, akin itong tinanggihan.. pero napag-isip-isip ko Sayang kung umo-O lang ako noon marahil may sarili na akong domain name at wordpress blog ngayon :). anyways Speaking of Wordpress, naalala ko lang yung blog na yun, kase dun din ako halos nagsimula noon.. simpleng filetransfer ng mga files by filezilla, nakakapag edit na akong ng webcontent ko ng mabilisan at accurate sa ginugusto kong mangyare, pero narealize ko na di pa lang ganun ka epektibo kung di ka talaga ganun kagaling, kahit sabihing interest ang isang bagay.. :)
Osiya btw. salamat sa pagbabasa netong maikling sulatin na ito, marahil halos di ko na nasuportahan pa yung tema.. haha. fail talaga kahit kelan osiya.. babawi ako sa susunod XD