| Site menu |
|
 |
| Login form |
|
|
 |
|
| Blog |
 | |  |
| Main » 2011 » October » 16 » Ang nararapat sa tama.. :)
2:15 PM Ang nararapat sa tama.. :) |
Hi? salamat sa pag punta mo sa aking pahina, anyways.. Ang rason kung bakit ko na ito ang titulo na aking naisipan ay medyo may matagal ng bumabagabag sa akin. Tulad ng title ng entry na ito, Ano nga ba ang nararapat sa tama? Nararapat bang paniwalaan o sundin ang sariling pang-unawa at paninindigan?. Ispeaking paninindigan, madame sa atin ang walang sarili nito, dahil kung ano ang pinaniniwalaan ng isa, siya namang gayun din ang atin.. tama naman diba? pero sa totoo lang, naisipan mo na bang pagbali-baliktarin ang konsepto at pananaw na nakamulatan mo? ano? anong napala mo?, ikinabuti ba?. Sensiya sa mga medyo harsh words, pero ganito tayo, tila ba inuungkat natin ang bunga bago ang kanyang ugat. Kung sasabihin ko ba na bilog ang buwan na kailan man sa buong buhay mo di mo pa nakikita, maniniwala ka kaya?. Mahirap diba? Oo mahirap talaga maliban na lang talaga kung may naging karanasan ka na, at naging isang matibay mo itong pinanghahawakan simula nung maranasan mo ito :). Madami din sa atin ang sumasang-ayon sa kung ano ang sinang-ayunan ng karamihan,Pero nung oras na magkamali ang taong pinagkatiwalaan, Anong napala? Diba parang siya pa ang lumalabas na kriminal sa likod ng pagtulak niyo sa kanya at ibinuhos niyo yung pagtitiwala sa kanya. Talaga nga naman, hindi nawawala ang Pilosopiya sa buhay, Pilosopiya na maaring makabuti at makasira ng ating pagkatao. Makabubuti lang ang pilosopiya sa paraang Nailalahad ang tama sa mali, na mali pala madalas ang mga tamang ating Pinaniniwalaan. Siguro di mo pa din gets ang takbo ng aking utak? Oo kahit ako din kase e, magulo ako mag-isip, padalos dalos. Kase, Madami kasi ngayon ang nagiging tama sa ating panahon.. ng dahil sa teknolohiya,nawawala na ang moralidad ng bawat tao, Iniisip nila na ang tama sa kanila ay tama, sapagkat may paninindigan sila, pero dahil sa Impluwensiya ng mas nakakaangat sa ating mga bansa, nalilimutan natin ang pagkakakilanlan natin ng dahil sa pag-sangayon sa mga kamalian,Kaya kapatid mag-ingat ka. Masarap kasi mamuhay ng nasa tama, lam niyo ba simula high-school at college, ako ay masyadong tahimik sa aking klase at kung akala mo lang, baliktad ako sa tunay na mundo na pagkakilala mo ngayon sa akin,kase simple lang. Mas masarap kasi magpahayag ng nasa saluobin mo sa ganitong paraan. Naiisip ko darating ang panahon na lahat ng tao ay magiging makasarili at mauubos ang mga taong nakakakilala sa Diyos,mga taong paninindigan at tama at dadami ang maniniwala at sasang-ayon sa baluktot na daan dahil masarap daw kasi,may thrill ang buhay ika-nga. Halimbawa na lang sa nararanasan nating tama na mali pala, ang tao ay nabubuhay lamang para sa kaniyang sarili,Mali.. dahil ang bawat tao ay may destinasyon at kapupuntahan at siya mismo ang pipili nun :). Ikaw ba? kamusta na ang paninindigan mo?. Laman ka pa din ba ng lansangan sa madaling araw dala ang hang-over at kaluluwa ng alak?, in short bisyo?. Lam mo sa totoo lang ang paunti-unti ay hindi bawal pero pag sobra na, diyan na nagiging bisyo yan. Lahat nga naman ng sobra ay bawal, sa mga maling nakagawian natin, natatawag natin itong bisyo dahil sa alam na nga nating mali, pero pinagpipilitan pa din natin ang mali. Nakakalungkot lang, pero nakakadagdag ka lang ng listahan sa mga maagang mamatay kung gayon, maaring pagdating ng sampung taon o kaya'y pag ka-edad mo'y pagsisihan mo na sayang, sana noon, sana sana sana. Ganyan tayong mga tao e, ilang beses ba natin nababanggit ang salitang SANA? kapag nagdadasal tayo na makapasa sa exam,tapos mangongopya? tigasin haha!. Marahil sa palagay ko masarap pagusapan ang mga bagay na may kaseryosohan din no? ansarap kasi.. , pero ang pinaka-punto ko dito ay, Piliin mo ang tama sa tama, at hindi ang tama na alam mo naman sa sarili mo na mali. Kaya ikaw kapatid, matuto kang magdesisyon sa buhay mo :)..
yun lang XD. - Hmmm. sa palagay ko naisipan ko lang na sa susunod na aking blog-post ay gagawa ako ng kwentong-serye , pero di ko pa alam kung tungkol saan anyways, maraming salamat sa pagbabasa ng aking katha ngayong araw na ito :).
|
|
Views: 60 |
Added by: ayeh
| Rating: 0.0/0 |
| |
 | |  |
|
| Search |
|
 |
| Calendar |
|
 |
| Entries archive |
|
 |
|