3 October 2011 - Blog - :: The Sleeping Mind ::
E-mail:
Password:

:: The Sleeping Mind ::

Site menu
Calendar
«  October 2011  »
SuMoTuWeThFrSa
      1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031

Blog

Main » 2011 » October » 3
Ahay, matatapos na naman yung isang semester.. Ako bilang estudyante, siyempre problemado at halos lahat sa atin ay nag-aalala sa ating mga marka o grado na maari nating makuha galing sa ating mga Guro.
Talaga nga naman, parang kailan lang.. anyways.. let me share sa inyo yung natapos na Engineering day namen, Sa totoo lang una-unang nabitin ang karamihan sa inakalang dalawang araw na Pagdiriwang ng aming College day, kaso huli na ang lahat para humirit, at buti na lang Malaking pasalamat ko sa Diyos na natapos na namin yung matagal-tagal na pinagpaguran naming proyekto.. Buti na lang at natapos na talaga, feeling ko talaga parang ako lang yung natuto sa kabila nung mga ginawa namin, dahilan yan para iyan ay aking sabihin dahil ako ang gumawa nung Electronics part, kaso sa Pag-pro-program ay mejo weak ako diyan >.< sa totoo lang talaga di naman ako magaling sa ganung pag-analisa e. Sa totoo lang ay kinuha ko ang aking kurso at dahilan ito ng pagkahilig ko lang po noon sa FRIENDSTER, o di ka nagkakamali sa nakita/nabasa mo..
Dahil sa pag eedit ng ganyan, ng ganito sa isang simpleng background hanggang sa pagkatuto ng Java, pero sa totoo lang pang browser lang yun or pang net Java lang yun, yun bang pag-gawa lang ng Website yung alam ko, pero di na ngayon tignan mo nga asa na ako ngayon sa ganitong Web builder, kahit plain basta ang mahalaga ay maiparating ko sa inyo yung gusto kung ikwento. At isa pa, naalala ko noon, madalas akong nag eedit,nangongopya ng mga Background at noon ay tuwang tuwa ako at proud na proud ako, pero kalaunan ay napagtanto ko na "Isang malaking kamalian ang matuto sa isang kamalian". Hanggang sa dumating ang araw na ako'y naging aktibo sa isang Forum na hindi ko na babangitin dahil nalulungkot lamang ako kung naalala ko lamang yung website na yun :). Taon din ang binilang bago magsara at malaos ang FS, hanggang sa naalala ko ay 2nd semester noong first year nauso yung Facebook.. at dahil dun, ang Friendster ay unti unting nalaos hanggang sa ibenta ito sa isang kumpanya at ngayon lang kasalukuyan ay ginawang palaruan para sa mga nag-iisip bata ang Friendster na animo dati ay, Di mapakali ang May-ari kapag di niya maipahayag at mapaganda ang kanyang Friendster page.. hmmm. namiss ko lang talaga yung ganun bagay at pagkakataon, na minsang naranasan na hindi na pwede at kailan man balikan pa.. XD Parang sembreak lamang, Matatapos na semester lamang ito, Minsang dinaanan at magiging isang napakagandang alaala ang lahat-lahat para sa ating lahat ngayong nagdaang Semester na ito.. :)

-

Godbless sayo! at salamat sa pag-babasa ng aking maikling Kwento :)


... Read more »
Views: 205 | Added by: ayeh | Date: 2011-10-03 | Comments (0)