Blog - :: The Sleeping Mind ::
E-mail:
Password:

:: The Sleeping Mind ::

Site menu
Calendar
«  May 2011  »
SuMoTuWeThFrSa
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031

Blog

 Madami sa atin hanggang ngayon ang nalilito pa din kung bakit natin pinag aaralan pa yung mga bagay na inde naman talaga dapat pag-aralan pa.. in short, hanggang ngayon kahit alam nating relate ang nasabing "kurso" sa ating major ay sa huli maiisip-isip mo, Oo gragraduate ako.. kaso sa 236 units na inenroll ko nung ako'y nag aaral sa kolehiyo ay wala pa 3/7 ang nagamit ko nung ako'y nasa field/trabaho na.. but let's find out kung ano nga ba talaga ang dahilan ng mga gumawa ng curriculum na inenroll mo/natin :).


-
Sabi saken ng kachurch ko na Graduate na Engineer, major in Electrical.. , Masarap daw mag-aral, mag lakwatsa.. in short masarap ang buhay estudyante, (pero what's the essence?)
According to him.. almost or 10 years niya kinuha ang nasabing 5 year course, which is para sakin ay nakakagulat, dahil inde naman halata sa kanya na magagawa niya yun, and i was like expecting he was one of those topnotchers nung kapanahunan niya like deans lister pero di din.. Kwento niya saken, naalala ko lang na nasabi niyang subject e yung calculus niya.. ,Pero para sa akin yung kanilang calcu noon di pa ganun kabibilis ang speed processing like complex, at sa mga walang kaya inde pa makabili ng ganun pero naka-graduate, pero laking salamat niya din na inde niya inabot yung 4 na burahan sa whole board para sa iisang problem lang, pero mas nagpapasalamat ako sa Lord ngayon dahil may ES (Engineering series) na ngayon, which is meron ding mga MS (Math series) or pang statistician at madame pang iba ang naglipana sa panahon natin ngayon if ever aware ka sa mga scientific calculator ngayon.. ^^.. So ayun, marahil ay masarap ang buhay ng Tatay-tatayan namen, kase siya yung humahawak ng Praise en Worship namen, biruin mo dati nung nasa experiment sila, ikaw ba naman manigarilyo sa ilalim ng desk tas sa taas puro electrical components and experimentations bla bla bla, diba what would you expect? ^^ akala may nasusunog.. :) , and with respect to the other courses, ito for sure makakrelate ka na! ;P kung ikaw man ay estudyante, piliin mo yung dapat kalagyan mo.. isapuso mo yung mga natutunan mo, in which is hanggang ngayon ay bumabagabag sa isipan ko..

Na paano ko matutunan ang isang bagay, na kinabisado ko, inaral ko lang nung finals.. inaral ko lang bago mag exam.. and it's like beating the final cut at parang nakikipag unahan ng silya sa jeep na malapit ng mapuno at last trip at ganun ang pakiramdam ng isang estudyanteng nagkukumahog sa oras.

-

Kumahog, diba kapag nagmamadali tayo.. halos nakafocus na lang tayo sa isang bagay lamang, at tanging yung mindset lang yung naalala natin diba?
therefore kailangan lang natin enjoyin yung mga bagay na ito, kase sa totoo lang para lang sa akin ha..
wala sa dame ng units o talino mo ngayong nasa kolehiyo ka kapag nasa trabaho ka na..
dahil tanging diskarte ang magpapa-ahon sayo :)
magliligtas..

-

Lam niyo datii, happy go lucky din ako nung past years.. kahit final exam na, anjan pa din.. tutulugan tas ilalastminute review which is.. teka naisip ko na parang nakakasawa na..
mas masarap siguro kung.. ikaw na yung kinokopyahan, tinatanungan.. tas ikaw yung nagsisikap para mapataas ang sarili mung grado.

Pero sabi nila, grades doesn't matter, well para saken..
IT DEPENDS.
mayroon akong naging professor last year, dalawa lang grade mo.. it's either 3 0r 5.. bali 50/50 ka ^^
and alam niyo ba na kahit 5 ang midterm grade mo ngayon, wag kang sumuko :).. kase di pa huli ang lahat..
kase kahit ako din, may ganyan.. and God tested me in how he do those things to me, in which i had a hopeless 71.19% in my midterm.. and 6 lang ang pumasa sa mid-grade sa klase, so expect pa? siyempre ako.. inde kagad ako nagpatalo sa sarili ko.. at kahit mahirap yung math na yun, naihabol ko pa sa pasang-awa.. in which baka kung sumuko kagad ako.. baka ngayon ay masteral na ako sa subject na yun :) so don't quit, a real student fights at their last hope.. XD 

-

So let's focus back in the first point, ano nga ba ang essence of studying ?
 
    As conclusion, para sa akin..

   -
    Ang pag-aaral ay isang displina na kung saan lahat tayo ay natututong magtuwid ng mga bagay bagay sa ating isipan, na kung saan inaakala nating tama or nagbibigay dagdag kaalaman, at not but the least, just a trial for us to be massive enough para harapin yung mga pagsubok at maging handa sa mga mas mahirap na mundo sa pakikisalamuha pa ng kung kani-kanino pa diyan..
In grades, it just deals us or ito yung nagpapakita kung gaano tayo karesponsable nung nag-aaral pa tayo,
dahil sabi nga..

"Attitude from the start are not easily change as a child grows up"

simple lang..
Kung ano ka nung bata ka, ganun ka pa din hanggang ngayon.. andiyan pa din yan for sure na sumasalamin kung paano ka namuhay sa loob ng iyong tahanan. :)


-
Yun lang Po.. AND i Pray na si Lord na ang bahala sayo in your Grades, Pressure na dinadala, at iba pang problema.. maraming salamat sa pagbabasa ng maikli kung katha.

Godbless kapatid :)



... Read more »

Views: 35 | Added by: ayeh | Date: 2012-03-27 | Comments (0)

Paano nga bang masasabe na matalino ang isang tao?

Siyempre , kapag kaklase mo:

*Laging perfect sa lahat*
  
  In short pang academics siya, kahit saan mo siya ilagay he's/she's on the role palage or "In" ika nga sa eskwelahan..

-
Kaso most of the time(s) ayun sa aking observation , hirap silang makisalamuha sa mga tao. Yung iba hirap makipag kapwa tao, (Comradeship)..
At higit sa lahat iba sila mag isip sa mga iniisip ng isang pangkaraniwang tao.

Kung ang isang natural na tao, iniisip lamang ang para sa ikabubuti niya, kahit sila ding mga matatalino ganun din.. sa ibang paraan nga lamang.

Parang ganito:

Normal*
   -  Iniisip kung ano ang magiging kalagayan nila kinabukasan.
Matalino*
   -  Iniisip yung mga nangyare na, upang hindi na mangyare pa ulit.

" Gets mo ba yung point ko? "
 
         Yan ba natanong ka na ba ng ganyan ng iyong kasamahan/kamag-aral/kaklase/ katrabaho / kaibigan?
         paminsan minsan ganyan tayo, upang maitago yung mga bagay na meron tayong alam na ayaw nating ipaalam ng madiin at di natin alam na kahit tayo may sariling talino, di lang talaga ginigising :)

Maaring nagtataka sa mga pinag sasabi ko, ano nga ba yung patutungunhan ng mga pinagsusulat ko, pero di ko din alam? pasensiya na pero i'm fond of free writing, sa tagalog ay malayang Pagsusulat ang tema ng Blog na ito..
So balik tayo sa ating topic,

Nacurious lang talaga ako, bakit matalino ang tawag sa matalino?
Marahil sa ang matalino ba daw talaga ay matalino? o nag aaral lang talaga?

-

Lam nio, diba hindi pa? may kakilala ako na halos or lahat ng patungkol sa siyensiya ay alam niya ang maliit na background neto... hanggang sa isang araw, narealize ko na lang yung pagiging matalino pala nakaka bobo pala sa huli :).
Lam mo kung bakit? kasi maski basics, nakakalimutan..
Parang math..
Kapag magaling ka na sa mga complex problem solving, at hirap ka pa din sa basic.. masasabe mo sa sarili mo na "matalino ako" (sa sarili mo nga lang na pag kaunawa :) )
Bakit ko nga ba nasabeng sa sariling pang unawa lamang? kasi..
ikaw lang mismo yung nakakaintindi ee.. marahil ako ngayon, sulat ako ng sulat dito, pero sa huli di mo makuha yung gusto kong ipaabot wala din. :)

-
Eto pa, madame sa atin ang mga nakakakilala sa mga tanyag na Scientist or Physicist or mga Inventors/Mathematician at iba pa tungkol sa siyensiya at matematika.
Pero tumatak sa isip ko si Einstein..
Katangian niya ang pagiging Mapag-matyag sa mga nangyayari sa mga paligid niya.
Katangian din niya ang tumukoy sa mga bagay na alam na natin pero wala pang basehan o katukuyan ng siyensiya.
Sana ganun din tayo, di man tayo kasing talino at intelehente niya ngunit, nabibilang sa ating mga daliri kung ilang beses lang tayo mag kaka edad sa mundo,(Inde pala kasya sa daliri sama mo lahat ng gusto mong isama sa kahit anong parte ng katawan mo)..

-
Sa eskwelahan:

Ang tunay daw na matalino ay di nag aaral, (Tama)
Ang tunay daw na matalino ay di nag no-notes, (Tama)
Ang tunay daw na matalino tamad , (Pede din)
Ang tunay na matalino ay katulad mo :) (Tama)

 - Bakit ko nga ba nasabing ganyan?
Simple lang, sa totoo lang kahit idisregard mo na yung mga pinagsusulat ko sa taas pero sa totoo lang.. ang tunay na matalino dito sa mundong ibabaw ay yung mga taong walang Alam :)..

PAANO KO NASABE?
  -
    Kase , sila mismo ang tumutukoy at naghahanap ng mga bagay na kelangan pa nilang malaman... o diba? inborn sa kanila?
sabi nga , mas mabuting ng walang alam kesa sa madaming nalalaman ng inde pa niya ikapapahamak.

Madami kasing tao yung naghahangad ng katalinuhan pa na higit sa nakikita,naamoy,nadadama,naririnig at nalalasahan nila.. at sa huli everything is Non-sense.

Sa totoo lang, bat ka pa mag papakatalino sa mundo kung mamatay ka din naman?

-

Sorry kung may na-offend ako/kita , pero sa totoo lang mabuti ng maging mapag matyag tayo, maging bukas yung isipan natin sa mga bagay na may katuturan at walang katuturan, dahil tama lang na nasabi nila na katotohanan ang mag papalaya sa atin :).


Maraming salamat sa pag babasa, Godbless :)
 
 
       
... Read more »

Views: 32 | Added by: ayeh | Date: 2012-03-27 | Comments (0)

Hi? salamat sa pag punta mo sa aking pahina, anyways.. Ang rason kung bakit ko na ito ang titulo na aking naisipan ay medyo may matagal ng bumabagabag sa akin.
Tulad ng title ng entry na ito, Ano nga ba ang nararapat sa tama? Nararapat bang paniwalaan o sundin ang sariling pang-unawa at paninindigan?.
Ispeaking paninindigan, madame sa atin ang walang sarili nito, dahil kung ano ang pinaniniwalaan ng isa, siya namang gayun din ang atin.. tama naman diba? pero sa totoo lang, naisipan mo na bang pagbali-baliktarin ang konsepto at pananaw na nakamulatan mo? ano? anong napala mo?, ikinabuti ba?. Sensiya sa mga medyo harsh words, pero ganito tayo, tila ba inuungkat natin ang bunga bago ang kanyang ugat. Kung sasabihin ko ba na bilog ang buwan na kailan man sa buong buhay mo di mo pa nakikita, maniniwala ka kaya?. Mahirap diba? Oo mahirap talaga maliban na lang talaga kung may naging karanasan ka na, at naging isang matibay mo itong pinanghahawakan simula nung maranasan mo ito :). Madami din sa atin ang sumasang-ayon sa kung ano ang sinang-ayunan ng karamihan,Pero nung oras na magkamali ang taong pinagkatiwalaan, Anong napala? Diba parang siya pa ang lumalabas na kriminal sa likod ng pagtulak niyo sa kanya at ibinuhos niyo yung pagtitiwala sa kanya. Talaga nga naman, hindi nawawala ang Pilosopiya sa buhay, Pilosopiya na maaring makabuti at makasira ng ating pagkatao. Makabubuti lang ang pilosopiya sa paraang Nailalahad ang tama sa mali, na mali pala madalas ang mga tamang ating Pinaniniwalaan. Siguro di mo pa din gets ang takbo ng aking utak? Oo kahit ako din kase e, magulo ako mag-isip, padalos dalos. Kase, Madami kasi ngayon ang nagiging tama sa ating panahon.. ng dahil sa teknolohiya,nawawala na ang moralidad ng bawat tao, Iniisip nila na ang tama sa kanila ay tama, sapagkat may paninindigan sila, pero dahil sa
Impluwensiya ng mas nakakaangat sa ating mga bansa, nalilimutan natin ang pagkakakilanlan natin ng dahil sa pag-sangayon sa mga kamalian,Kaya kapatid mag-ingat ka.
Masarap kasi mamuhay ng nasa tama, lam niyo ba simula high-school at college, ako ay masyadong tahimik sa aking klase at kung akala mo lang, baliktad ako sa tunay na mundo na pagkakilala mo ngayon sa akin,kase simple lang. Mas masarap kasi magpahayag ng nasa saluobin mo sa ganitong paraan. Naiisip ko darating ang panahon na lahat ng tao ay magiging makasarili at mauubos ang mga taong nakakakilala sa Diyos,mga taong paninindigan at tama at dadami ang maniniwala at sasang-ayon sa baluktot na daan dahil masarap daw kasi,may thrill ang buhay ika-nga.
Halimbawa na lang sa nararanasan nating tama na mali pala, ang tao ay nabubuhay lamang para sa kaniyang sarili,Mali.. dahil ang bawat tao ay may destinasyon at kapupuntahan at siya mismo ang pipili nun :). Ikaw ba? kamusta na ang paninindigan mo?. Laman ka pa din ba ng lansangan sa madaling araw dala ang hang-over at kaluluwa ng alak?, in short bisyo?. Lam mo sa totoo lang ang paunti-unti ay hindi bawal pero pag sobra na, diyan na nagiging bisyo yan. Lahat nga naman ng sobra ay bawal, sa mga maling nakagawian natin, natatawag natin itong bisyo dahil sa alam na nga nating mali, pero pinagpipilitan pa din natin ang mali.
Nakakalungkot lang, pero nakakadagdag ka lang ng listahan sa mga maagang mamatay kung gayon, maaring pagdating ng sampung taon o kaya'y pag ka-edad mo'y pagsisihan mo na sayang, sana noon, sana sana sana. Ganyan tayong mga tao e, ilang beses ba natin nababanggit ang salitang SANA? kapag nagdadasal tayo na makapasa sa exam,tapos mangongopya? tigasin haha!. Marahil sa palagay ko masarap pagusapan ang mga bagay na may kaseryosohan din no? ansarap kasi.. , pero ang pinaka-punto ko dito ay, Piliin mo ang tama sa tama, at hindi ang tama na alam mo naman sa sarili mo na mali. Kaya ikaw kapatid, matuto kang magdesisyon sa buhay mo :)..

yun lang XD.
-
Hmmm. sa palagay ko naisipan ko lang na sa susunod na aking blog-post ay gagawa ako ng kwentong-serye , pero di ko pa alam kung tungkol saan anyways, maraming salamat sa pagbabasa ng aking katha ngayong araw na ito :).
... Read more »
Views: 123 | Added by: ayeh | Date: 2011-10-16 | Comments (0)

Ahay, matatapos na naman yung isang semester.. Ako bilang estudyante, siyempre problemado at halos lahat sa atin ay nag-aalala sa ating mga marka o grado na maari nating makuha galing sa ating mga Guro.
Talaga nga naman, parang kailan lang.. anyways.. let me share sa inyo yung natapos na Engineering day namen, Sa totoo lang una-unang nabitin ang karamihan sa inakalang dalawang araw na Pagdiriwang ng aming College day, kaso huli na ang lahat para humirit, at buti na lang Malaking pasalamat ko sa Diyos na natapos na namin yung matagal-tagal na pinagpaguran naming proyekto.. Buti na lang at natapos na talaga, feeling ko talaga parang ako lang yung natuto sa kabila nung mga ginawa namin, dahilan yan para iyan ay aking sabihin dahil ako ang gumawa nung Electronics part, kaso sa Pag-pro-program ay mejo weak ako diyan >.< sa totoo lang talaga di naman ako magaling sa ganung pag-analisa e. Sa totoo lang ay kinuha ko ang aking kurso at dahilan ito ng pagkahilig ko lang po noon sa FRIENDSTER, o di ka nagkakamali sa nakita/nabasa mo..
Dahil sa pag eedit ng ganyan, ng ganito sa isang simpleng background hanggang sa pagkatuto ng Java, pero sa totoo lang pang browser lang yun or pang net Java lang yun, yun bang pag-gawa lang ng Website yung alam ko, pero di na ngayon tignan mo nga asa na ako ngayon sa ganitong Web builder, kahit plain basta ang mahalaga ay maiparating ko sa inyo yung gusto kung ikwento. At isa pa, naalala ko noon, madalas akong nag eedit,nangongopya ng mga Background at noon ay tuwang tuwa ako at proud na proud ako, pero kalaunan ay napagtanto ko na "Isang malaking kamalian ang matuto sa isang kamalian". Hanggang sa dumating ang araw na ako'y naging aktibo sa isang Forum na hindi ko na babangitin dahil nalulungkot lamang ako kung naalala ko lamang yung website na yun :). Taon din ang binilang bago magsara at malaos ang FS, hanggang sa naalala ko ay 2nd semester noong first year nauso yung Facebook.. at dahil dun, ang Friendster ay unti unting nalaos hanggang sa ibenta ito sa isang kumpanya at ngayon lang kasalukuyan ay ginawang palaruan para sa mga nag-iisip bata ang Friendster na animo dati ay, Di mapakali ang May-ari kapag di niya maipahayag at mapaganda ang kanyang Friendster page.. hmmm. namiss ko lang talaga yung ganun bagay at pagkakataon, na minsang naranasan na hindi na pwede at kailan man balikan pa.. XD Parang sembreak lamang, Matatapos na semester lamang ito, Minsang dinaanan at magiging isang napakagandang alaala ang lahat-lahat para sa ating lahat ngayong nagdaang Semester na ito.. :)

-

Godbless sayo! at salamat sa pag-babasa ng aking maikling Kwento :)


... Read more »
Views: 205 | Added by: ayeh | Date: 2011-10-03 | Comments (0)

Gandang gabii.. :) ayun sa tagal din ng panahon halos ilang buwan din akong di nagsulat sa aking buhay talaan..
Nga pala, pasensiya kung tagalog yung ginagamit ko ditong estilo ng pagpapahayag ng aking mga saloobin.

Lapit na sembreak no? ikaw bilang estudyante anung naiisip mo ngayon?
Grades? Pamilya? Mahal mo? Dame noh?
natural estudyante e..
Sarap kaya maging estudyante..
kasi pag sembreak pag walang mapagkakakitaan o mapag lilibangan..
maaring nasa bahay ka lang, Facebook,Chat, Ym, ang siyang umiikot sa talaan ng iyong listahan sa araw araw tuwing bakasyon..
Osige simula tayo sa Grades,
marahil kahit ikaw, na wag naman sana ay tagilid sa ilang mga subject natin? tama ba?
Kahit ako din kase, di naman ako ganun ka-igi sa klase na inaakala ng iba.. pero sa totoo lang,
tamad ako. XD.. ikaw ba? kelan ba natin mababago yun?
Marahil isang prokastinasyon ang pag Fefeystbuk.. ito katulad neto, sa pagbisita mo at pag basa ng maikling istoryang ito ay maaring makakain ng malaking oras na maari mong igugol sa mga bagay na dapat sana
ay maging abala ka.
Lam niyo ba itong Pag susulat ay matagal ko ng ginagawa.. mag sulat sa notebook ng mga kanta, mga tula. pero Joke lang yung huli..

Para sa mga lalake: Mga bro, ang hirap man-ligaw kapag busy no? hirap pag sabayin..
Para sa mga babae: Hirap mag-intay no?

Sa totoo lang, hirap talaga ng ganyan..
at kung tatanungin mo kung asang antas ako..
Coke zero ^^
sa totoo lang medyo nakakarelate ako diyan.
kaso mejo abnoy lang talaga yung natipuhan ko..
Hirap tsumempo at tukuyin kung kelan nag-iisa siya at nasa Mood T.T
Pero kahit ganun pa man, maybe some other time na lang XD
sabi nga, to wait is to endure and endurance is synonymous to Patience..
and Patience is Virtue, pero joke lang yun.. mahina ako sa English..
Well naalala ko lang speaking the term English,
Naalala ko lang yung isang Offer saken ng isa kung kakilala na may-ari ng isa sa Pinakamalaki/Sikat na Anime Blog dito sa pinas.. kaso di ako ganun ka-inclined sa Manga(Tama kaya ispelling?), Anime Reviews at iba pang may kinalaman sa ganung Genre. Kaso dahil sa ako'y mang-mang sa manga or mangga, akin itong tinanggihan.. pero napag-isip-isip ko Sayang kung umo-O lang ako noon marahil may sarili na akong domain name at wordpress blog ngayon :). anyways Speaking of Wordpress, naalala ko lang yung blog na yun, kase dun din ako halos nagsimula noon.. simpleng filetransfer ng mga files by filezilla, nakakapag edit na akong ng webcontent ko ng mabilisan at accurate sa ginugusto kong mangyare, pero narealize ko na di pa lang ganun ka epektibo kung di ka talaga ganun kagaling, kahit sabihing interest ang isang bagay.. :)
Osiya btw. salamat sa pagbabasa netong maikling sulatin na ito, marahil halos di ko na nasuportahan pa yung tema.. haha. fail talaga kahit kelan osiya.. babawi ako sa susunod XD

GODBLESS! :D
... Read more »
Views: 135 | Added by: ayeh | Date: 2011-09-22 | Comments (0)